LUCENA CITY, Quezon — Pormal nang ipinagkaloob sa Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC) ang bagong Leica Cryostat Machine 1860 na mula kay San Miguel Corporation (SMC) President and Chief Executive Officer, Mr. Ramon S. Ang.
Sa ginanap na programa ngayong araw ng Biyernes, Hulyo 5, taos-pusong pinasalamatan ni Governor Doktora Helen Tan si Mr. Ang sa walang sawang pakikipagbalikatan upang makapagbigay ng iba’t-ibang tulong sa buong lalawigan ng Quezon.
Ang Cryostat ay ginagamit upang ipreserve ang mga tissue samples gamit ang mababang temperatura, at para rin ito sa mas mabisang pagsusuri ng iba’t-ibang sakit partikular na ang cancer.
Ayon naman kay QPHN-QMC Chief of Hospital Dr. Juan Eugenio Fidel Villanueva, ang makinang ito ay malaking tulong upang mapalawak pa ang kanilang kakayahan na magbigay ng tamang diagnosis sa mga pasyente.
Magsisilbi rin itong mahalagang hakbang upang mag-apply ng accreditation training program sa kanilang Department of Pathology.
Samantala, matatandaan ring naibigay sa nasabing ospital ang Fujifilm Supria 128 Slice CT-Scanner at Mammogram Machine nito lamang nakaraang Enero 23, 2024.
By Quezon PIO