TARLAC CITY- Alinsunod sa adhikain ni Gov. Susan A. Yap na siguraduhin ang maayos at matiwasay na kalusugan ng bawat mamamayan saan mang dako ng probinsya,isang komprehensibong medical mission ang natamasa ng mga Tarlakenyo sa Baramgay Bacabac, Camiling,Tarlac,noong Hunyo 13.
Iba’t ibang libreng serbisyong medikal ang natamasa ng mga Tarlakenyo tulad na lamang ng blood chem, medical check-up, dental check-up, blood donation, at X-ray.
Bukod pa rito ay nakatanggap din ang mga Tarlakenyo ng mga libreng gamot, at bitamina.
Labis naman ang pasasalamat na ipinapaabot ng mga Tarlakenyo sa kolektibong aksyon ng mga doktor, nars, at mga opisyales dahil sa matagumpay na pagsulong ng komprehensibong medical mission sa kanilang barangay.