
Ang mga partisipante ay pawang mga kabataan na galing sa iba’t ibang barangay sa nasabing bayan.
Ang inisyatibong ito ay sa pagtutulungan ni Gob. Mamba, Mayor William, mga barangay officials, United Cagayanos Football Club (UCFC), at Kagawaran ng Edukasyon.
Ayon sa ama ng lalawigan, ang football clinic ay isang magandang pagkakataon para sa mga batang gustong matuto at malinang ang kakayahan sa larong football lalo na ngayong bakasyon ng mga ito.
Sa pamamagitan ng clinic na ito, mabibigyan sila ng tamang kaalaman at kasanayan sa nasabing laro. Aniya hindi lamang physical benefits ang maaaring makuha sa clinic na ito, isa rin itong pagkakataon na magkaroon ng bagong kaibigan at masayang karanasan para sa mga kabataang magpapatuloy sa hangarin ng paglalaro ng football.
Layon rin ng football clinic na magkaroon ang mga bata ng pagkakataon na mahubog ang kanilang physical fitness, teamwork, discipline, at iba pang importanteng life skills.

Katuwang ng Lokal na Pamahalaan ang United Cagayanos Football Club (UCFC) na siyang mangangasiwa sa pagsasanay at mga drills na ituturo sa mga young football aspirants. (Cagayan Provincial Information Office)
