Luzon Journal

KING TAURUS SECURITY SERVICES

Apartment 2, Cattleya St., Pillar Village Subdivision, San Isidro, San Fernando City, Pampanga Tel/Fax No.(045) 455-0717 Mobile #09178980456/09223130443
Click for Facebook Page

Cayetano sa DPWH: Maaaring naiwasan ang pagtaas ng gastos sa New Senate Building

Sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na “avoidable” o naiwasan sana ang pagtaas ng gastos sa New Senate Building (NSB) kung aktibong nakipag-ugnayan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Senado bago aprubahan ang Detailed Architectural and Engineering Design (DAED) ng proyekto.

“How could we have avoided those revisions? Kasi looking back at all these papers na ibinigay ninyo sa opisina ko, avoidable ang mga ito,” ani Cayetano sa DPWH sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Accounts noong June 3, 2024 hinggil sa pagsusuri sa NSB.

Bilang chair ng Committee on Accounts, iginiit ni Cayetano na ang pagsusuri sa konstruksyon ng NSB ay may layong na magkaroon ng malinaw na completion date, cost, at design na maaasahan ng Senado at ng publiko.

Inihayag ni Cayetano na ang lumalaking gastos sa konstruksyon ay maaaring naiwasan kung sumunod lang ang DPWH, na project manager ng NSB, sa “standard procedure” ng pakikipag-ugnayan sa Senado bago aprubahan ang DAED ng gusali.

“Paano ka makakagawa ng DAED kung hindi mo naman kinakausap ‘yung mga gagamit ng building?” aniya.

“If you made all the revisions before DAED, may bayad ba ‘yan? Wala ‘di ba? Pero hindi ninyo kinausap ang Senado before DAED. Kinausap niyo after na, that’s why lumaki [ang gastos],” dagdag niya.

 

Sinabi ng DPWH na hindi nila “inaasahan” ang mga design revision na nagdulot ng dagdag na gastusin para sa proyekto.

Ipinunto ni Cayetano na maaaring naiwasan ito kung nagkaroon ng kusa ang DPWH na pag-ugnayin ang Senado at ang Hilmarc’s Construction Corporation na kontraktor ng proyekto.

“Before DAED, wala kang redesign fees kasi nga wala pa ‘yung detailed design,” pahayag niya.

“Kaya tayo panay revision kasi pinag-usap ninyo ang Senate at ang contractor after na ng DAED,” dagdag niya.

Para mapabilis ang pagsusuri sa proyekto at mabuo na sa wakas ang “iconic and functional” na NSB, hinimok ni Cayetano ang DPWH na bumuo ng isang komite na magdedesisyon nang naaayon sa batas o protocol at tapusin na ang Revised Detailed Architectural and Engineering Design (RDAED) nito.

“Kung ano ang kulang na makakatulong sa amin para ma-desisyonan ito, i-submit [ninyo],” aniya.

Scroll to Top