SAN LUIS, Aurora – Malugod na naisagawa ng iba’t ibang ahensya sa pangunguna ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) ang selebrasyon ng Environment Month at Arbor Day na may temang “Land Restoration, Desertification, and Drought Resilience” sa pamamagitan ng tree planting na isinagawa sa Barangay Diteki, San Luis Aurora, Hunyo 25.
Lumahok sa aktibidad ang iba’t-ibang kawani at kinatawan ng mga ahensya tulad ng 91st infantry sinagtala battalion Philippine Army, Philippine national Police, Bureau of Fire Protection at mga empleyado ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, na pinasiwaan ni Ma. Teresa De Luna, ng ENRO at sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamumuno naman ni Forester G.Alfredo kasama ring nakiisa ang Local Goverment Unit ng bayan ng San Luis.
Ayon kay Luna, “Ang pagtatanim ng mga puno ay nakakatulong upang mapanatili ang ganda ng kalikasan at sa pamamagitan nito ay maitataguyod ang biodiversity at malabanan pabago-bagong klima gayundin ay mabawasan ang epektong kalamidad ating lalawigan. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay makakatulong ang mga lumahok para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.”
Ipinahatid naman ni Punong Lalawigan Reynante A.Tolentino ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan na nakiisa at nagbigay ng oras upang bigyang halaga ang pagtatanim ng puno kasabay ng pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan. (By PG Aurora Official page).