Luzon Journal

KING TAURUS SECURITY SERVICES

Apartment 2, Cattleya St., Pillar Village Subdivision, San Isidro, San Fernando City, Pampanga Tel/Fax No.(045) 455-0717 Mobile #09178980456/09223130443
Click for Facebook Page

Anibersaryo ng BCBCI nagdaos ng treeplanting sa Busol Watershed

By Zaldy Comanda

BAGUIO CITY – Sa ika-52 taon anibersaryo ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club,Inc., isang makasaysayang pagdiriwang ang isinagawa sa pamamagitan ng eco-walk at tree planting sa Busol Watershed,bilang pagsusulong sa Environmental Awareness sa siyudad ng Baguio,noong Hunyo 19.

Ang programa na pinamagatang BCBCI ECOWALK REPRIZED @ 52, ay isang pagpupugay sa mga yumaong media elders na nagsulong para pangalagaan ang kalikasan,lalong-lalo na ang watershed na nagsu-suplay ng tubig sa lungsod.

Itinuring na simple at makabuluhan ang muling paglulunsad ng eco-walk sa Busol Watershed, na dinaluhan ni Mayor Benjamin Magalong, Congressman Mark Go, City Councilor Leandro Yangot.Jr. at ABC President Rocky Aliping, kasama ang mga kinatawan mula sa Baguio Water District, Benguet Electric Cooperative, at SM Foundation,

na nagbigay ng kanilang suporta at pasasalamat sa Baguio media na maipamulat sa mga mamamayan, lalong-lalo nasa mga kabataan na mapangalagaan ang nalalabing kagubatan na source ng tubig sa lungsod.

Ang programang Eco-Walk ay batay sa mga tradisyunal na sistema ng pamamahala ng kagubatan ng mga katutubo ng Cordilleras at iba pang bahagi ng mundo at nagbibigay-daan sa mga bata na manguna sa pangangalaga sa kapaligiran, na nagbigay inspirasyon sa mga pinuno at mga sektor ng nasa hustong gulang ng komunidad na suportahan ang programa at pataasin ang pangako ng komunidad sa mga alalahanin sa kapaligiran.

Nagpasalamat naman si Magalong sa BCBCI sa pag-revived ng eco-walk sa Busol Watershed.”Kailangan ng city government ang tulong ninyo para pangalagaan at protektahan ang ating mga watershed, dahil lumiliit na ito dulot ng squatting.

“Dati ang Buyog watershed natin sa may Quirino Hill ay puro puno ang makikita,pero ngayon puro bahay na, dahil hindi ito nabantayan mabuti,kaya unti-unting pinapasok ng squatters. Sa ngayon katuwang na natin ang pulisya sa pagbabantay at pinakiusapan ko ang mga squatters na tama na,hanggang dito na lang kayo at kayo rin ang magsilbing guwardiya laban sa bagong squatter na papasok sa ating watershed. Napakahalaga ang programang ito para sa ating environment,” payahag ni Magalong.

“ Ang re-launched ng Eco-Walk na ito ay hindi lamang pagpupugay sa ating mga media elders na namayapa, kundi dapat natin ipagpatuloy ito at ipamana sa ating mga anak, upang hindi mawala ang tradisyon na ito at magpatuloy ang pangangalaga sa ating kalikasan,” pahayag ni Thom Picana, presidente ng BCBCI.

 

Scroll to Top